PiNtiG Ng PuSo (Heart Beat)
Magmula ng tayo’y magkakilala,
Ikot ng mundo ko’y biglang nag-iba,
Di maipahiwatig sayo unang nadama,
Naghahalo sa puso ang tuwa at kaba.
Yakap at halik mo’y hinahanap-hanap,
Simula ng tayo’y magbuo ng mga pangarap,
Pagmamahalan natin ang magiging susi,
Sa lahat ng bagay na ating minimithi.
Rupok ng katauhan ko’y nilubog sa kalautan,
Nagsilbing ilaw sa limbo at karimlan,
Madilim na ulap sa kalangitan ay pinawi,
Pinalitan mo ng saya at ngiti sa labi.
Ako’y iyo ika’y akin,
Sa puso ng bawat isa ay wala ng aangkin,
Malayo man tayo ay malapit din,
Pintig ng puso ko’y lagi mo lang damhin.
-My 1st poem that I've wrote-
2004 QC Styropackaging Corporation,
Sta. Maria, Bulacan, Philippines
-
- rechierich_1980's blog
- Login or register to post comments
- 139 reads